Thursday, April 19, 2012

April 19, 2012, 11 p.m.

Can't find the right words to describe how I am right now.


My day went alright. Dumating na si tito Alex kaninang 12 nn galing Saudi. He gave me two books; Northanger Abbey & Pride and Prejudice. Excited na akong basahin. Actually, nasimulan ko na yung Northanger Abbey. And hinihintay ko na lang na matapos akong magblog dito at itutuloy ko na ang pagbabasa. Yun nga. Masaya naman yung earlier part ng araw ko. Nanood kami ng mga pinsan ko ng The Wishing Stairs kanina, at yun na lang ulit yung bonding namin. Then, mga bandang 7 p.m., nagyaya na yung dalawang kapatid ko na umuwi. Nabored na siguro. So yun. Umuwi kami and then, deretso agad ako sa kwarto. Prepared my snacks and daily routine. Facebook, Twitter, Tumblr, and Blogger. Okay naman ako. Okay naman sana ako kung hindi ko lang siya naalala. Bakit kasi lagi ko siyang naaalala?


Honestly, sa mga oras na 'to, wala na ako sa tamang pag-iisip. I mean, hindi ko na alam. Anglalim-lalim na ng iniisip ko na parang nakarating na ako sa unknown place. Angtagal o nang dinadala 'tong sakit na 'to pero kahit anong bitaw ko pilit pa ring bumabalik sa kamay ko na parang may magnet. Ayaw na ayaw kong magdadrama pero, ewan. Hindi ko lang talaga maiwasan. Sa totoo lang, ayoko ding itype to dito ngayon sa pag-aalalang, baka may ibang taong makabasa na kilala siya, pero wala, gusto kong ilabas lahat dito. :(


Gusto ko nang dumating yung araw na okay na ako at nakalimutan ko na siya para wala na akong inaalalang ganito. Anghirap na kasi talaga. Gabi-gabing pag-iyak. Tindi ng tear glands ko. Unlimited. Nakakabilib. Sana kung gaano kadami yung luha ko, ganun din kadami yung strength ko para makamove on na.


Nakakalungkot ngayon. Sunod-sunod na nagtetext at nagpopost sa Facebook ko ang mga kaibigan ko. Tinatanong nila ako kung ano'ng problema. Yung iba, cheering me up. I feel loved. Sana matapos na ang lahat. Ayoko na. 


Matatapos din 'to. At pag natapos na ang lahat, magiging masaya din ako. Pangako.

Monday, April 16, 2012

ANO BA KASING NANGYARI SA AKIN?

Nag-uusap kami ni mommy kanina habang kumakain..


Ako: Ma, nakakainis..
Mommy: (tuloy ang pagkain. Hindi ako pinapansin)
Ako: Ma! Nakakainis..
Mommy: (kumakain pa rin. Nakatingin lang sa kinakain) Um? Bakit?
Ako: Nalaman na ni Jose na crush ko siya. (ay, mahal pala)
Mommy: Oh, ano ang sabi?
Ako: Wala. Ay. ewan ko. Pero kahapon di ba, umattend ako ng activity namin sa YFC, nandun din siya. Wala namang pinagbago.
Mommy: 'wag mo na siyang pansinin. Kapag pinansin mo siya, hindi ka niya papansinin. Kapag hindi mo siya pinansin, may posibilidad pang, kausapin ka niya.
Ako: Weh? Paano mo naman nasabi?
Mommy: Alam ko yan. Ako pa.


(tumahimik kami parehas. Tinuloy ang pagkain)


Dahil sa kaniya, nahihirapan ako ngayon. Nung Friday kasi, April 13, nalaman na niya na gusto ko siya. Ay mali. Sa pagkakasabi sa'kin ni Katya, matagal na daw palang alam ni Jose. Pero hindi lang siya nagpapahalata. Angwrong move kasi nung ginawa ko. Sobra.


So nung April 13 nga, umattend ako ng debut party ni Jaimei. Friend ko siya tapos classmate ni Jose nung high school. Nag-enjoy naman ako. Except of one thing: Nakita ko na naman kasi siya eh. Nakakamove on na ako e. Tapos bigla ko na naman siyang nakita. ... Kumain kami don. Nagparty. As usual. Then, drank. Pero konting-konti lang talaga. Party naman e. Mga 11 p.m., umalis na ako don sa venue. Sila naiwan pa. Balak nilang magovernight e. Gusto ko din sana dahil non ko na lang ulit sila nakasama pero..kasi, magkaaway kami ni tatay that time. Kaya pinilit ko na lang umuwi nang mas maaga. Bale, lima 'yung naghatid sa'kin sa sakayan. Si Pauline, Katya, at may isa pang babae, nakalimutan ko kung sino, si Paul, at si Jose. Hindi yun sumama para ihatid ako. Alam ko naman yun. Sumama siya para may kasamang lalaki sina Pauline at Katya at yung isa pang babae pabalik sa venue. Syempre, 11 p.m. na yun. Madilim na talaga. Tapos yun, nakauwi na ako. Saktong 11:15 p.m. siguro? Deretso agad ako sa kwarto ko dahil ayokong makausap ako nina mommy. Medyo hilo kasi ako noon. Oo na. Weak na nga ako. Konting inom lang, hilo na ako agad. Hindi naman kasi ako heavy drinker e. Tapos nagbihis na ako ng pantulog. At tinext ko silang lahat ng "Ingat kayo paguwi." After magsend nun lahat sa kanila, including kay Jose, nagtype ulit ako ng message. For Katya naman. Basta. Nakalimutan ko na ang nilagay ko dun. Basta ang alam ko, nakalagay dun na, apektado pa rin ako kay Jose. Mahal ko pa rin siya. blah. blah. blah.. Then sinend ko na, at dahil hilong-hilo ako at antok na antok, nakatulog na ako. Paggising ko, 10 a.m. na. 


Nagdaan ang Sabado.. Pero bago yun, Sabado nang gabi, nagchat sa akin si Katya. Na may sasabihin daw siya. Eh hindi ko naman agad natanong kung ano bago siya naglog out. So sabi ko, sabihin na lang niya sa akin kinabukasan, Linggo, dahil meron naman kaming activity sa YFC. Dumating ang Linggo. 8:30 a.m., nakarating ako sa venue. Late na nga ako e. Pero late namang nagstart. Hinahanap ko si Katya para malaman ko kung ano yung sasabihin niya dahil alam kong may laman. May kutob ako na may laman. Pero wala. Hindi pala siya pupunta that day. Edi nabitin na naman ako. Nung nandun ako sa activity namin, sobrang nanghihina ako. Sobra. Kasi masakit e. Hang over ng sakit nung Friday night..na nakita ko ulit siya. At pati sa YFC activity, magkasama na naman kami. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya e. Dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Sa katunayan, noong unang mga taon na mahal ko siya, puro kasiyahan lang e. Ewan ko ba.. At yun nga. Nagtalk pala ako nung Sunday sa covenant orientation ng chapter namin. At wala pa yatang 5 minutes, natapos ako. Dahil sobrang sama na ng pakiramdam ko, literally. That's the worst day I ever had in my YFC life. Yung sinayang ko yung time para makapagtalk nang maayos. Eh kasi, wala, sobrang sama na ng pakiramdam ko. Yung pakiramdam na maiiyak na ako. So after ko magtalk, si Jose na yung sunod. Hindi ko nga siya naintroduce sa mga nakikinig/members e. Kasi sobrang gusto ko nang umalis dun sa lugar na kung saan iisang bubong lang yung naglalapit sa amin. Nagpaalam na ako sa kanila. Pero hindi sa lahat. Kina Roi lang, chapterhead partner ko, kina Aura, sa ibang service team, maliban kay Jose. Hindi ko siya kayang kausapin nong time na yun e. 


At yun nga. Nakauwi na ako. Pagdating ko sa bahay, bukas ang karaoke. Nagkakantahan sila. Ayos pa rin naman. Pero ako, iyak na ako nang iyak sa kwarto ko. Kasi ung bigat ng pakiramdam na apat na taon ko na siyang minamahal, naipon na, at sumabog na. Tipong puputok na yung puso ko kung hangin man ang laman sa sobrang sakit. Sunday night, kagabi yun. Mga bandang 9 p.m. siguro. Basta. Nagchat sa akin si Katya sa Facebook. Sabi ko kasi i-chat niya ako kapag online na siya. Then sabi niya sa akin, "ate, alam mo na ba?" Ang alin? Sabi ko sa kaniya. Wala akong alam. Wala talaga. Ang alam ko lang, mahal ko si Jose. "Ate, na-wrong send ka kay Jose nung Friday night. Yung dapat na sa akin, sa kaniya mo naisend." Kumabog nang malakas at sunud-sunod ang puso ko. Yung apat na taon kong sikreto? Nalaman na niya?! Dahil lang sa nwrongsend ako? Hindi pwede! Hindi pwede. "Hindi pwede. Eh ano'ng sabi niya!?" Tanong ko kay Katya. "Wag mo nang tanungin, ate. Basta. Move on ka na ate. Tulungan pa kitang maghanap ng lalaking magmamahal sa'yo. Tara!" "Eh ano ngang sabi niya?" Tanong ko ulit. "Matagal na naman daw niyang alam. Pero yun nga. Ayaw lang niyang makaoffend o makasakit." 


Nung sinabi ni Katya sa'kin yun, ewan. Speechless ako. Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Basta ang alam ko, dapat masaktan ako. Dapat umiyak ako. Pero hindi. Hindi ako nasaktan. Hindi ako umiyak. Noon ko na lang narealize na, manhid na pala ako. Sa apat na taong minahal/minamahal ko siya, sa wakas! Nagkaroon na din ng sagot. Hindi ako nagtanong pero may sagot akong natanggap. Na ayun, wala din pala. Wala din lang pala talaga ako sa kaniya. Alam ko naman yun. Hindi naman ako nag-assume. Pero, mas masakit pala talaga kapag sa kaniya na mismo nanggaling. Angsakit-sakit. Yung tipong, siya ang first love ko. Siya pa lang yung lalaking minahal ko nang ganung katagal hanggang ngayon tapos wala. Mapupunta lang pala sa wala. 


Aksidente ko lang namang naisend sa kaniya yung message na dapat kay Katya pero, binigyan ako noon ng sobra-sobrang heartache. Minsan naisip ko, bakit kasi siya pa? Bakit kasi nagmahal pa ako? Bakit kasi ganito ang nangyari? Bakit kasi siya pa ang first love ko? Bakit minahal ko siya ng apat na taon? Bakit minamahal ko pa rin siya hanggang ngayon? Hanggang ngayon, sa mga oras na 'to, masakit pa rin. Patuloy pa ring sumasakit pero ayoko, ayoko nang alagaan ang sakit. Sana bukas, wala na 'to. Sana bukas, may magandang mangyari.

I'm starting a life, huh.

Good morning! I haven't posted here I think, months ago? And I miss you, Blogger. Oh well, within those weeks we haven't met each other, many things happened, many changes hit me, and everything.
First, I'm so sorry for letting you left out while I'm focusing on Tumblr. Sorry. But I promise, from now on to never-ending, I'll be with you. But of course I won't leave Tumblr. It's just I'll be two-timer for this very time. LOL. Seriously, I came to this point that I'm seeking for you because I think I'm no longer allowed (by myself) to write things about my crush on Tumblr, he's owning an account already and it sucks. But I admit I'm the one who told him to make an account, so shit me. 


But before I mention everything here, let me first do my things here in our house. Lots of stuffs to do and my Tatay would make angry gestures if I won't do them all. So yeah, see you later!

New Template Design

I'm loving it :) It's so refreshing! Relaxing. Undeniably, rainwater makes my mood good enough to face the pain of reality.

Life Plans

Seriously, when it comes to this topic, my life plans, I always end up looking for the best. Of course, who would think that he or she has the worst future? But yeah, frequently, I always make myself down in all sort, self-confidence. I don't know. I always see myself as nothing. Like what's my purpose here? Anyway there's no purpose of my own. Things like that. And it really sucks, i know. Maybe because I still don't meet and greet the things I wanna do. I am an incoming Sophomore student in Letran, yes, with Advertising course, and I'm proud of it. But some things bother my mind. Like those things I can't do, and those that I can. I'm a bit insecure and conscious about everything around me. So sorry for myself, but that's how I see me. I want to change that attitude but whenever I plan to, I always end up lurking around somebody else's life. Why they are like that, why they are like this, and I'm just like this. I know this is so bad for me. And that's my point. I want this attitude of mine be changed to positive. Though it's hard, I am trying. Though it's really really hard, I know I can.

Then I discovered something. Something that absolutely amazes me whenever I am doing it. And it's you, blogging. I know this is kinda weird but I guess, I must put you in my life. To be a part of my life. So that somehow in my life, I get the chance to have something to treasure for. Some of my friends question me regarding this matter. They're asking me what's good in blogging. I can't straightly answer to their questions. Because in my own self, I'm insisting that blogging is my best friend. Like God is always to me.

I don't know what would going to happen in the next days of my life. It's kinda boring, but I know one day I will going to find what my heart really seeks for.

Surprise!

When I woke up this morning, I heard my mommy talking to my tatay. They're chatting about tonight's activity. We'll going to have swimming party and I am surprised! I don't have the things I have to use. LOL. But seriously, I'm not that excited. Don't know why.. Oh well, wish us luck!

Tuesday, April 10, 2012

Hindi ko na siya maintindihan. Palagi na lang siyang galit sa'kin. Mula no'ng araw na magkaisip ako, hanggang ngayon, hindi ko pa nararanasang maramdaman na anak yung turing niya sa'kin. Oo, pinag-aaral niya ako. Pinapakain niya ako. Binibigyan ng mga bagay na kailangan ko. At marami pang iba. Pero 'yung kaisa-isang bagay na gusto kong maramdaman galing sa kaniya, mukhang malabo nang mangyari. 'Yung maramdaman ko na anak niya ako. Yung maramdaman na mahal niya ako, yung matatapos ang araw na hindi niya ako pinagtataasan ng boses, at sinisigawan. Yung maramdaman yung sarap ng pagkakaroon ng tatay. Bakit ba hindi ko maramdaman? Lagi siyang galit. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. Lagi kong sinasabi sa kaniya sa tuwing sinisigawan niya ako, "Bakit ba lagi kang galit sa akin?" "Wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Pero ang lagi lang niyang sagot sa'kin, "Ayusin mo ang ugali mo." Hindi ko na tuloy malaman kung ano ang nauna. Yung ugali kong ganito kaya siya nagagalit? O palagi kasi siyang galit kaya ako nagkakaganito? 


Hay ewan. Hindi ko na alam. Sana maayos 'to one day. Sana. :(