Tuesday, April 10, 2012

Hindi ko na siya maintindihan. Palagi na lang siyang galit sa'kin. Mula no'ng araw na magkaisip ako, hanggang ngayon, hindi ko pa nararanasang maramdaman na anak yung turing niya sa'kin. Oo, pinag-aaral niya ako. Pinapakain niya ako. Binibigyan ng mga bagay na kailangan ko. At marami pang iba. Pero 'yung kaisa-isang bagay na gusto kong maramdaman galing sa kaniya, mukhang malabo nang mangyari. 'Yung maramdaman ko na anak niya ako. Yung maramdaman na mahal niya ako, yung matatapos ang araw na hindi niya ako pinagtataasan ng boses, at sinisigawan. Yung maramdaman yung sarap ng pagkakaroon ng tatay. Bakit ba hindi ko maramdaman? Lagi siyang galit. Hindi ko naman alam kung ano ang dahilan. Lagi kong sinasabi sa kaniya sa tuwing sinisigawan niya ako, "Bakit ba lagi kang galit sa akin?" "Wala naman akong ginagawang masama sa'yo." Pero ang lagi lang niyang sagot sa'kin, "Ayusin mo ang ugali mo." Hindi ko na tuloy malaman kung ano ang nauna. Yung ugali kong ganito kaya siya nagagalit? O palagi kasi siyang galit kaya ako nagkakaganito? 


Hay ewan. Hindi ko na alam. Sana maayos 'to one day. Sana. :(

No comments:

Post a Comment