Nag-uusap kami ni mommy kanina habang kumakain..
Ako: Ma, nakakainis..
Mommy: (tuloy ang pagkain. Hindi ako pinapansin)
Ako: Ma! Nakakainis..
Mommy: (kumakain pa rin. Nakatingin lang sa kinakain) Um? Bakit?
Ako: Nalaman na ni Jose na crush ko siya. (ay, mahal pala)
Mommy: Oh, ano ang sabi?
Ako: Wala. Ay. ewan ko. Pero kahapon di ba, umattend ako ng activity namin sa YFC, nandun din siya. Wala namang pinagbago.
Mommy: 'wag mo na siyang pansinin. Kapag pinansin mo siya, hindi ka niya papansinin. Kapag hindi mo siya pinansin, may posibilidad pang, kausapin ka niya.
Ako: Weh? Paano mo naman nasabi?
Mommy: Alam ko yan. Ako pa.
(tumahimik kami parehas. Tinuloy ang pagkain)
Dahil sa kaniya, nahihirapan ako ngayon. Nung Friday kasi, April 13, nalaman na niya na gusto ko siya. Ay mali. Sa pagkakasabi sa'kin ni Katya, matagal na daw palang alam ni Jose. Pero hindi lang siya nagpapahalata. Angwrong move kasi nung ginawa ko. Sobra.
So nung April 13 nga, umattend ako ng debut party ni Jaimei. Friend ko siya tapos classmate ni Jose nung high school. Nag-enjoy naman ako. Except of one thing: Nakita ko na naman kasi siya eh. Nakakamove on na ako e. Tapos bigla ko na naman siyang nakita. ... Kumain kami don. Nagparty. As usual. Then, drank. Pero konting-konti lang talaga. Party naman e. Mga 11 p.m., umalis na ako don sa venue. Sila naiwan pa. Balak nilang magovernight e. Gusto ko din sana dahil non ko na lang ulit sila nakasama pero..kasi, magkaaway kami ni tatay that time. Kaya pinilit ko na lang umuwi nang mas maaga. Bale, lima 'yung naghatid sa'kin sa sakayan. Si Pauline, Katya, at may isa pang babae, nakalimutan ko kung sino, si Paul, at si Jose. Hindi yun sumama para ihatid ako. Alam ko naman yun. Sumama siya para may kasamang lalaki sina Pauline at Katya at yung isa pang babae pabalik sa venue. Syempre, 11 p.m. na yun. Madilim na talaga. Tapos yun, nakauwi na ako. Saktong 11:15 p.m. siguro? Deretso agad ako sa kwarto ko dahil ayokong makausap ako nina mommy. Medyo hilo kasi ako noon. Oo na. Weak na nga ako. Konting inom lang, hilo na ako agad. Hindi naman kasi ako heavy drinker e. Tapos nagbihis na ako ng pantulog. At tinext ko silang lahat ng "Ingat kayo paguwi." After magsend nun lahat sa kanila, including kay Jose, nagtype ulit ako ng message. For Katya naman. Basta. Nakalimutan ko na ang nilagay ko dun. Basta ang alam ko, nakalagay dun na, apektado pa rin ako kay Jose. Mahal ko pa rin siya. blah. blah. blah.. Then sinend ko na, at dahil hilong-hilo ako at antok na antok, nakatulog na ako. Paggising ko, 10 a.m. na.
Nagdaan ang Sabado.. Pero bago yun, Sabado nang gabi, nagchat sa akin si Katya. Na may sasabihin daw siya. Eh hindi ko naman agad natanong kung ano bago siya naglog out. So sabi ko, sabihin na lang niya sa akin kinabukasan, Linggo, dahil meron naman kaming activity sa YFC. Dumating ang Linggo. 8:30 a.m., nakarating ako sa venue. Late na nga ako e. Pero late namang nagstart. Hinahanap ko si Katya para malaman ko kung ano yung sasabihin niya dahil alam kong may laman. May kutob ako na may laman. Pero wala. Hindi pala siya pupunta that day. Edi nabitin na naman ako. Nung nandun ako sa activity namin, sobrang nanghihina ako. Sobra. Kasi masakit e. Hang over ng sakit nung Friday night..na nakita ko ulit siya. At pati sa YFC activity, magkasama na naman kami. Hindi ko naman magawang magalit sa kaniya e. Dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Sa katunayan, noong unang mga taon na mahal ko siya, puro kasiyahan lang e. Ewan ko ba.. At yun nga. Nagtalk pala ako nung Sunday sa covenant orientation ng chapter namin. At wala pa yatang 5 minutes, natapos ako. Dahil sobrang sama na ng pakiramdam ko, literally. That's the worst day I ever had in my YFC life. Yung sinayang ko yung time para makapagtalk nang maayos. Eh kasi, wala, sobrang sama na ng pakiramdam ko. Yung pakiramdam na maiiyak na ako. So after ko magtalk, si Jose na yung sunod. Hindi ko nga siya naintroduce sa mga nakikinig/members e. Kasi sobrang gusto ko nang umalis dun sa lugar na kung saan iisang bubong lang yung naglalapit sa amin. Nagpaalam na ako sa kanila. Pero hindi sa lahat. Kina Roi lang, chapterhead partner ko, kina Aura, sa ibang service team, maliban kay Jose. Hindi ko siya kayang kausapin nong time na yun e.
At yun nga. Nakauwi na ako. Pagdating ko sa bahay, bukas ang karaoke. Nagkakantahan sila. Ayos pa rin naman. Pero ako, iyak na ako nang iyak sa kwarto ko. Kasi ung bigat ng pakiramdam na apat na taon ko na siyang minamahal, naipon na, at sumabog na. Tipong puputok na yung puso ko kung hangin man ang laman sa sobrang sakit. Sunday night, kagabi yun. Mga bandang 9 p.m. siguro. Basta. Nagchat sa akin si Katya sa Facebook. Sabi ko kasi i-chat niya ako kapag online na siya. Then sabi niya sa akin, "ate, alam mo na ba?" Ang alin? Sabi ko sa kaniya. Wala akong alam. Wala talaga. Ang alam ko lang, mahal ko si Jose. "Ate, na-wrong send ka kay Jose nung Friday night. Yung dapat na sa akin, sa kaniya mo naisend." Kumabog nang malakas at sunud-sunod ang puso ko. Yung apat na taon kong sikreto? Nalaman na niya?! Dahil lang sa nwrongsend ako? Hindi pwede! Hindi pwede. "Hindi pwede. Eh ano'ng sabi niya!?" Tanong ko kay Katya. "Wag mo nang tanungin, ate. Basta. Move on ka na ate. Tulungan pa kitang maghanap ng lalaking magmamahal sa'yo. Tara!" "Eh ano ngang sabi niya?" Tanong ko ulit. "Matagal na naman daw niyang alam. Pero yun nga. Ayaw lang niyang makaoffend o makasakit."
Nung sinabi ni Katya sa'kin yun, ewan. Speechless ako. Hindi ko alam yung mararamdaman ko. Basta ang alam ko, dapat masaktan ako. Dapat umiyak ako. Pero hindi. Hindi ako nasaktan. Hindi ako umiyak. Noon ko na lang narealize na, manhid na pala ako. Sa apat na taong minahal/minamahal ko siya, sa wakas! Nagkaroon na din ng sagot. Hindi ako nagtanong pero may sagot akong natanggap. Na ayun, wala din pala. Wala din lang pala talaga ako sa kaniya. Alam ko naman yun. Hindi naman ako nag-assume. Pero, mas masakit pala talaga kapag sa kaniya na mismo nanggaling. Angsakit-sakit. Yung tipong, siya ang first love ko. Siya pa lang yung lalaking minahal ko nang ganung katagal hanggang ngayon tapos wala. Mapupunta lang pala sa wala.
Aksidente ko lang namang naisend sa kaniya yung message na dapat kay Katya pero, binigyan ako noon ng sobra-sobrang heartache. Minsan naisip ko, bakit kasi siya pa? Bakit kasi nagmahal pa ako? Bakit kasi ganito ang nangyari? Bakit kasi siya pa ang first love ko? Bakit minahal ko siya ng apat na taon? Bakit minamahal ko pa rin siya hanggang ngayon? Hanggang ngayon, sa mga oras na 'to, masakit pa rin. Patuloy pa ring sumasakit pero ayoko, ayoko nang alagaan ang sakit. Sana bukas, wala na 'to. Sana bukas, may magandang mangyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment